top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SRP sa Agri products kontra abusado

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
1 min read

@Editorial | August 4, 2022


Sa gitna ng nagpapatuloy na taas-presyo sa mga bilihin, plano ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng suggested retail price (SRP) ang ilang agricultural products.


Sa pamamagitan nito ay mapoprotektahan ang mga mamimili laban sa mga abusadong negosyante.


Gayunman, hindi maiiwasan na may mga negosyante na mag-aalangan sa balak na ito. Batid naman natin na iba-iba ang kanilang suppliers at hindi rin pare-pareho ang presyuhan.


Mainam na konsultahin muna ang mga producers bago ang pagpapatupad ng SRP sa agri products. Dahil sa kanila nakadepende ang makatarungang pagpepresyo.


Nais nating mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili, lalo na ngayong matindi ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin pero ayaw din naman nating malagay sa alanganin ang mga negosyante, maliit man o malaki, dahil bahagi pa rin sila ng ating ekonomiya.


Magkatuwang nating haharapin anuman ang sitwasyon at palaging mananaig ang patas na pamumuhay. Huwag nating hayaang makaporma ang mga abusado at ganid sa pera.


Bantayan ang mga ilegal na gawain na pumapatay sa ating kabuhayan, ang mga smuggler at mga korap na nagpapaalipin.


Muli, hangarin natin ang Pilipinas na nagtagumpay na sa pandemya at krisis.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page