top of page
Gary V. - IG.jpg

Squad leader ng NPA, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 20, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang squad leader ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Sagay City sa lalawigang ito.

 

Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang sumukong squad leader ng NPA na nakabase sa lalawigan.

 

Napag-alaman na isinurender din ng sumukong NPA ang dala niyang armas, bala at mga subersibong dokumento sa mga otoridad.

 

Ayon sa naturang rebelde, nahihirapan na umano siyang mamuhay sa bundok kaya sumuko siya sa pamahalaan.

 

Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang nasabing komunista para matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page