Squad leader ng NPA, arestado
@Balitang Probinsiya | December 11, 2023
ILOILO -- Isang squad leader ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Buyuan, Tigbauan sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Niel Calupez, alyas “Ka Mig”, nasa hustong gulang at squad leader ng NPA na nakabase sa lalawigan.
Nabatid na dinakip ng mga operatiba si Calupez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan niyang kasong attempted murder at arson.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Calupez kaya agad nila itong pinuntahan at inaresto ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga otoridad sa nasabing barangay.



Comments