top of page
Search
  • BULGAR

Smuggled na sigarilyo, nasabat

@Balitang Probinsiya | Ika-24 ng Pebrero, 2024


TAWI-TAWI -- Nakumpiska ng mga otoridad ang mga smuggled na sigarilyo kamakalawa sa isang cargo vessel sa karagatang sakop ng Pearl Bank sa lalawigang ito.

 

Ang mga smuggled na sigarilyo ay nakalulan sa M/V Samson.

 

Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na ang nasabing cargo vessel ay may lulan na mga puslit na sigarilyo.

 

Dahil dito, agad hinarang ng pulisya ang cargo vessel at nang makita ang mga smuggled na sigarilyo ay kinumpiska ito.

 

Sinabi naman ng kapitan at crew na hindi nila alam na mga smuggled na sigarilyo ang ilan sa mga naikarga sa cargo vessel.

 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nakumpiska nilang mga smuggled na sigarilyo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page