top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Smartphone sa Japan, ipinagbawal habang naglalakad sa pedestrian

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo - @News | July 2, 2020



Pinagbawal na unamo sa Japan ang paggamit ng smartphone at pakikipag-usap tuwing tatawid sa daan dahil ang mga ito ay nakatingin sa kanilang mga telepono at hindi sa kanilang dinadaanan na maaari nilang ikapahamak.

Una nila itong ipinahayag sa istasyon ng tren sa Yamato City upang maipagbigay alam agad sa publiko. Walang parusa sa mga hindi susunod dito, ito lamang ay pag-iingat para sa mga tatawid sa mga pedestrian lane. Ngunit ang mga nayon na halos 240,000 sa Japan ay nais gamitin ang nasabing ordinansiya upang maiwasan ang anumang aksidente sa lugar.

Ang hindi pangkaraniwang ordinasa ay nagkaroon ng isang malawak na suporta sa mga mamamayan at ang ilang tao sa Yamato ay ang unang lumabag dito.

Base sa research ng Japanese mobile giant NTT Docomo noong 2014 ay halos 95 na pursiyento ang mga taong tumatawid na hindi nakatingin sa kanilang dinadaanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page