SK chairman, timbog sa shabu

@Balitang Probinsiya | February 11, 2021
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang SK (Sangguniang Kabataan) chairman ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Culasian, Titay.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si SK Chairman Glenn Celeste, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng ilegal na droga si Celeste kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation dahilan kaya naaresto ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu sa pag-iingat ni Celeste.



Comments