top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Single-use face mask, puwedeng maging banta sa kalikasan at kalusugan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 1 min read

@Editorial | September 11, 2020



Kasabay ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, lumobo rin ang dami ng infectious waste mula nang magka-pandemya.


Ang mga basura ay galing sa COVID-19 ward at mga pinaggamitang personal protective equipment (PPE) ng mga pasyente at health workers.


Ayon sa Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), umabot sa 19,000 metric tons ang dami ng medical at infectious waste mula sa health care institutions na naitala ngayong pandemic — mula Abril hanggang Hulyo.


Nakababahala ang maaaring maging epekto nito sa kalikasan, kaya patuloy ang panawagan sa publiko, gumamit ng reusable PPE, tulad ng face mask. Mas makatitipid at bawas-basura pa kung mga yari sa tela ang gagamitin.


Kung hindi naman maiwasan ang paggamit ng mga single-use face mask, tiyakin nating naitatapon ito nang maayos. Matatandaang may ilang lugar sa bansa na nakitaan ng mga gamit na surgical face masks — nagkalat ang mga ito sa kalsada at sa baybaying dagat.


Tandaan natin na ang mga ito ay maituturing na infectious material at may banta hindi lang sa kalikasan kundi sa ating kalusugan.


Panawagan natin sa gobyerno, partikular sa mga local government units, sana ay magkaroon ng hiwalay na basurahan para sa mga face mask at iba pang medical waste.


Kung kinakailangan, magkaroon tayo ng ordinansa o magtalaga ng puwedeng mangasiwa sa wastong pagtapon ng face mask at iba pang medical waste.


Ganundin sa publiko mismo, simulan natin ang disiplina sa ating sarili. Alam nating hindi nabubulok ang mga surgical mask at lalong hindi nare-recycle, kung hindi natin kayang maging responsable sa pagtatapon nito, utang na loob huwag nang gumamit. Matuto tayong maglaba ng face mask na yari sa tela.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page