top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Singil ng Meralco sa mga konsyumer, mas pinababa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 3 min read

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | July 16, 2020




Nag-anunsiyo kamakailan ang Manila Electric Company (MERALCO) ng muling

pagbaba ng singil ng kuryente para sa buwan ng Hulyo.


Ang kabuuang pagbaba para sa isang tipikal na bahay ay nasa P0.0286 kada

kilowatthour (kWh). Mula sa P8.7252 kada kWh, ang kabuuang singil para sa buwan ng

Hulyo ay bumaba sa P8.6966 kada kWh. Ito humigit-kumulang na P6 na bawas sa bill

ng isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh.


Sa 4 na sunod-sunod na buwan ng pagbaba ng presyo ng generation charge, umabot

na sa higit sa piso kada kWh ang kabuuang pagbaba mula noong simula ng taon. Ang

kabuuang singil ngayong Hulyo ay mas mababa kumpara sa singil noong Hulyo 2019

na nasa P9.9850 kada kWh. Ito rin ang tinatayang pinakamababang singil mula noong

Setyembre 2017. Generation Charge ng Meralco, bumaba dahil sa Force Majeure


Mula sa P4.3413 kada kWh noong Hunyo, bumaba ang generation charge ng P0.0069

kada kWh at naging P4.344 kada kWh nitong Hulyo.


Dahil sa pagbaba ng demand sa kuryente sa mga lugar na sinasakupan ng Meralco

noong panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General

Community Quarantine (GCQ), patuloy na ginamit ng Meralco ang probisyon ng Force

Majeure (FM) sa mga Power Supply Agreement (PSA) nito. Ito ay nagresulta sa

pagbaba ng generation cost na sana’y ipapataw ng mga supplier.


Ngayong Hulyo, umabot sa halos P265 milyon ang claim mula sa FM. Ito ay katumbas

ng kabuuang natipid ng mga customer na umabot sa P0.0877 kada kWh sa generation

charge. Ito ay kumakatawan sa mga singil na hindi naipataw mula sa pansamantalang

suspensyon ng mid-merit supply contract na inaprubahan ng Energy Regulatory

Commission (ERC).


Kung hindi ginamit ng Meralco ang probisyon ng FM, ang kabuuang singil ng kuryente

ay tataas sana ng P0.0717 kada kWh mula sa kabuuang singil noong Hunyo. Sa

nakaraang apat na buwan, ang naitipid sa paggamit ng FM ay umabot na sa halos

P1.85 billion.


Ang mga singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay bumaba ng

P1.7803 kada kWh dahil sa pagbaba ng singil sa line rental na kaugnay ng mga

kontrata sa supply ng Meralco. Ang bahagi ng WESM sa kailangang supply ng Meralco

ay tumaas ng 15.9%.


Samantala, ang singil naman mula sa mga Independent Power Producer (IPP) ay

tumaas ng P0.4354 kada kWh dahil sa mas mababang average plant dispatch dahil sa

limang araw na scheduled maintenance outage ng San Lorenzo Module 50 at 60. Ang

pagbili ng kuryente mula sa PSA ay tumaas din ng bahagya ng P0.0455 kada kWh

bilang resulta ng mas mababang claim ng FM ngayong buwan kumpara noong

nakaraang buwan. Ang pagtaas ng halaga ng piso ay mas nagpagaan pa sa pagtaas

ng singil ng IPP at PSA.


Ang mga IPP at mga PSA ay bumubuo sa 33.2% at 50.9% ng kabuuang supply ng

Meralco.


Distribution, Supply at Metering Charge ng Meralco, hindi tataas ng 60 buwan

Ang transmission charge para sa mga residential consumer ay bumaba ng P0.0426

kada kWh dahil sa mas mababang Ancillary Service Charge. Nabawi nito ang P0.0209

kada kWh na pagtaas ng buwis at iba pang singil kasunod ng pagtatapos ng ERC-

approved na adjustment sa system loss over/under recovery noong nakaraang buwan.


Ang koleksyon ng Universal Charge-Environmental Charge na nagkakahalaga ng

P0.0025 kada kWh ay nananatiling suspendido, sa ilalim ng utos ng ERC.


Nanatiling walang paggalaw sa loob ng 60 buwan sa presyo ng singil ang Distribution,

Supply at Metering Charge ng Meralco mula July 2015. Inulit ng Meralco na hindi ito

kumikita sa mga pass-through na singil gaya ng generation at transmission charge. Ang

bayad sa generation charge ay napupunta sa mga supplier ng kuryente habang ang

bayad naman para sa transmission charge ay napupunta sa NGCP. Ang mga buwis at

iba pang public policy charge gaya ng Universal Charge at FIT-All ay napupunta sa

gobyerno.


Meralco, tuloy ang serbisyo sa kabila ng pandemiya

Maaaring bumisita sa pinakamalapit na Meralco Business Center ang mga customer.

Tumatanggap ito ng mga transaksyon tungkol sa service application, pagbabayad at iba

pa.


Handang magbigay ng serbisyo ang aming mga frontliner ngunit, mahigpit na

ipinatutupad ang mga health protocol gaya ng “No Mask, No Entry”, Social Distancing at

pag-check ng temperatura ng mga pumapasok na customer. Makasisiguro ang mga

customer na ang mga frontliner ay dumaan sa rapid COVID-19 testing na awtorisado ng

Pasig City Health Office. Mayroon ding mga nakalagay na harang para sa proteksiyon

ng customer at ng frontliner.



Para sa kaligtasan at kaginhawaan ng customer, hinihikayat din ng Meralco na gawin

na lamang sa online ang mga transaksyon nito sa kumpanya. Maaaring mag-download

ng Meralco Mobile App sa link na https://onelink.to/meralcomobile, Meralco Online sa

link na www.meralco.com.ph at ang mga awtorisadong payment channel ng Meralco sa

bit.ly/MeralcoPaymentPartners.


Para sa iba pang impormasyon at katanungan, maaaring bumisita official website ng

Meralco www.meralco.com.ph, sa social media account sa Twitter @MERALCO at sa

Facebook sa link na www.facebook.com/MERALCO. Maaari ring tumawag sa Meralco

Hotline sa 16211.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page