Simbahan, nilooban
@Balitang Probinsiya | November 26, 2021
CAMARINES SUR—Isang simbahan ang nilooban ng mga magnanakaw kamakalawa sa Bgy. Haring, Canaman.
Ang niloobang simbahan ay ang Prompt Succor Parish Church sa nasabing barangay.
Nabatid na sinira ng mga suspek ang padlock sa pinto ng simbahan kaya nakapasok sa loob at ninakaw ang ilang kagamitan.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang halaga ng kagamitang ninakaw ng mga suspek.
Kaugnay nito, naglunsad na rin ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.



Comments