Silahis na titser, makapag-aasawa kahit masyonda na
- BULGAR

- Jul 18, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| July 18, 2020

KATANUNGAN
Ako ay isang guro sa public school at sa edad kong 38, napapansin kong hindi na ako bumabata, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapag-aasawa gayung may mga naging girlfriend naman ako noon.
Akala kasi nila, may pagka-silahis ako kaya kahit tuksuhin ako ng mga kapwa ko guro na noon ay dalaga pa, wala ring nangyari hanggang sa sila ay nakapag-asawa na at bagkapamilya, habang ako ay naiwang binata.
Gusto ko nang mag-asawa, Maestro, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. May pag-asa ba akong makapag-asawa at kung mayroon, kailan naman ito matutupad at sino ang babaeng mapapangasawa ko at saan ko siya makikilala?
KASAGUTAN
Wala namang kaugnayan ang pagiging parang babakla-bakla na asta mo o may pagka-silahis ka kung may malinaw na guhit ng pag-aasawa sa kaliwa at kanan mong palad. Sapagkat sa katotohanan, marami rin namang mga guro sa iba’t ibang eskuwelahan na parang bading ang asta, pero nakapag-asawa at nagkaroon pa ng mga anak at masayang pamilya.
Salamat na lang at kahit medyo parang nahuli na ay may namataan pa ring malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na makapag-asawa, magkaka-anak at magkaka-pamilya ka pa rin kung saan ang Life Line na hindi naman masyadong lumawak (L-L arrow b.) at Life Line na kasama ang Head Line (Drawing A. at B. L-L, H-H arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing malapit lang sa bahay n’yo, sa pinagtatrabahuhan mong school, kababayan mo at palagi mo na ring nakikita o nakakasalubong sa kasalukuyan ang babaeng nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Sam, na kinumpirma ng iyong Love Calendar ang pag-aasawang nabanggit na ikatutuwa ng iyong mga kamag-anak at buong eskuwelahan ay nakatakdang mangyari dalawang taon pa mula ngayon kung saan sa 2023 sa buwan ng Oktubre sa edad mong 41 pataas, hatid ng babaeng isinilang sa zodiac sign na Libra.




Comments