top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Shoplifter timbog sa convenience store

BULGAR
Oct 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 24, 2022


BATANGAS—Isang shoplifter ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa loob ng convenience store sa Bgy. Poblacion, San Pascual.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Randy Cabalonga, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, ninakaw ng suspek ang ilang paninda sa hindi pinangalanang convenience store sa nabanggit na bayan.


Nang makita ng mga kawani ng convenience store ang pagnanakaw ng suspek ay agad itong ini-report sa pulisya kaya nadakip ang shoplifter.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong qualified theft.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page