Shoplifter nasakote
@Balitang Probinsiya | March 11, 2023
BATANGAS—Isang shoplifter ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa loob ng isang grocery store sa Bgy. Sambat, San Pascual sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, ninakaw ng suspek ang ilang paninda sa hindi pinangalanang grocery store sa nabanggit na bayan.
Nang makita ng mga kawani ng grocery store ang pagnanakaw ng suspek ay agad itong ini-report sa pulisya kaya nadakip ang shoplifter.
Kusang sumama naman ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong qualified theft.



Comments