Search
  • BULGAR

SHARON, AMINADONG LALONG GUMULO ANG BUHAY NANG MAGING ASAWA SI SEN. KIKO

ni Ronalyn Seminiano Reonico - @Showbiz | June 24, 2020




Nakakaintriga ang post ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account kung saan hindi na niya napigilang mag-rant tungkol sa pagiging ina at pagiging asawa ng isang pulitiko habang nahaharap sa ilang issues. We all know naman na si Sen. Kiko Pangilinan ang mister ni Megastar.


Aniya sa isang mahabang tweet: “I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so. Where is my countrymen’s moral compass? Kay tatapang na nating magbitiw ng ‘di lang masasakit kundi ‘di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. Masyado nang tino-tolerate, kundi man ine-encourage - at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa.


“Sa showbiz, kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga. At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin. Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan.


“Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kani-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging pulitiko niya. Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue. At ang baluktot, pilit itinutuwid. Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy. ‘Di lang pala chismis. Nakakapagod na rin ang may kaibigan sa isang panig, habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan ng wala namang proteksiyon mula sa kaibigan kahit mahal ka pa.


“Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader. Para ‘pag nakikita ko ang sakit sa mga mata ng mga anak ko kapag may masasakit na naririnig at nababasa, hindi na ako kailangan bumalanse sa pagiging kaibigan at INA. Dahil natural lang naman na ang pagiging INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA...


“Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon. Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugulo. Mas naa-appreciate ko ang showbiz ngayon... pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig-panig tulad ng pulitika.


“Bahala na ang Diyos sa amin. Siya naman ang may kontrol sa lahat. Huwag natin bolahin ang ating sarili na tao ang may control sa lahat.”


Samantala, komento naman ng mga netizens: “Ang mangyayari n’yan mother, your family against the word, ‘yong asawa mo na may ibang ipinaglalaban na ikinagaglit ng iba, pati ang anak mo na may sariling prinsipyo, damay, tapos ‘pag nag-react ka, iba na ang tingin sa ‘yo, sasabihin sa ‘yo mayabang ka at kung anu-ano pang kapangitan na word.”


“So true! One of the disadvantages of socmed. Too easy.”


“What I don’t understand is paano n’yo nasisikmura ang pinaggagagawa ng asawa n’yo sa Administrasyong Duterte? Ang lakas ninyong magbitaw ng mga bible verses to sound like a nice, human being but acting the opposite! Don’t use the word of God! Just don’t!”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.