ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 13, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreto ng Cabanatuan, Nueva Ecija.
Dear Maestra,
Madalas kong mapanaginipan ang father ko na inuutusan niya akong pumunta sa bukid namin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Loreto
Sa iyo, Loreto,
Hindi mo binanggit kung buhay pa o patay na ang father mo. Kung buhay pa ang father mo, ang ibig sabihin ng panaginip mo ay magiging maganda at maayos ang binabalak mo. Pero kung patay na ang father mo, ito ay babala na madadamay ka sa kaguluhan. Gayunman, isa sa malapit mong kamag-anak ang tutulong sa iyo.Â
Ang pinapunta ka sa bukid ng father mo ay may iba’t ibang kahulugan. Kung naglalakad ka lang papunta sa bukid, at nakakita ka ng magagandang tanim na kulay berde, ito ay nangangahulugan na matutupad mo na lahat ng iyong pangarap. Yayaman at maaabot mo na rin ang tugatog ng tagumpay.
Kung sa panaginip mo ay wala pang tanim ang bukid at inaararo pa lang, ito ay senyales na kailangan mo munang magpunyagi at magsikap bago mo makamit ang iyong mga pangarap.
Samantala, kung namamahinga ka lang, nakahiga sa damuhan, at relax na relax sa bukid, ito ay senyales na magkakaroon ka ng bagong kaibigan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comentarios