Senior hs student, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | July 14, 2023
ILOILO -- Isang senior high school student ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cato-ogan, Pototan sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek na nasa hustong gulang habang iniimbestigahan siya sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments