Senglot, tinodas ng tanod

@Balitang Probinsiya | February 9, 2021
AKLAN—Isang lasing ang napatay nang barilin ng barangay tanod kamakalawa sa Bgy. Buenasurte, Nabas.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Roland Geronimo, samantalang ang suspek ay si Jessie Trusidel, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa pulisya, nang malaman ni Trusidel na nagwawala dahil sa kalasingan si Geronimo ay pinuntahan niya ito para payapain, pero ayaw paawat ng biktima kaya pinagbabaril ito ng suspek.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments