top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Senglot tepok sa bangga ng kotse

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 14, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang lasing na lalaki ang namatay nang mabangga ng kotse, kamakalawa sa Bgy. Awaan, Ayungon sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Haed Jumuan, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotse na minamaneho ni Rexel Yosores, nasa hustong gulang kaya nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ng kotse ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad namatay sa pinangyarihan ng insidente.


Sumuko naman sa pulisya si Yosores na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page