top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Senglot namaril, 3 nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 6, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 18-anyos na binata ang namatay at dalawa pang katao ang sugatan sa pamamaril ng isang lasing kamakalawa sa Bgy. Alimango, Escalante City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang nasawing binata, habang kinilala ang mga sugatan na sina P/MSgt. Teofisto Aburido, nakatalaga sa Escalante City Police Station at Jayar Garganera, 34, at ang suspek ay si Romualdo Abarido, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, dahil sa labis na kalasingan ay nakasagutan ni Abarido ang isa niyang kainuman na habang nagtatalo ay rumesponde si P/MSgt. Aburido, pero pinagbabaril siya ng suspek at tinamaan ng isang bala sa katawan. Tinamaan din ng ligaw na bala ang nasawing binata at si Gargarena.


Agad namang nagresponde ang ibang pulis kaya naaresto ang suspek.


Nahaharap ang suspek sa mga kasong homicide, 2-counts ng frustrated homicide, illegal possession of firearms and ammunitions at assault upon a person in authority.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page