top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Senglot na rider, todas sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 15, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang lasing na rider ang namatay nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang nakaparadang trak kamakalawa sa Bgy. E. Lopez, Silay City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Amuel Oderis, 28 at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, dahil sa labis na kalasingan ay nawalan umano ng kontrol si Oderis sa pagmamaneho ng motor kaya bumangga ito sa nakaparadang trak sa nasabing lugar.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa driver na nagparada ng trak sa gilid ng kalsada sa nabanggit na barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page