Senglot na nanuntok ng parak arestado
@Balitang Probinsiya | October 29, 2022
PALAWAN—Isang lasing na nanuntok ng pulis ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Alfonso XIII, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruel Herarman, 49-anyos, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inireklamo sa pulisya ng mga residente ang lasing na si Herarman dahil sa pagwawala nito sa nasabing barangay.
Nang dumating ang mga operatiba at lapitan ni P/Cpl. Raffy Evina si Herarman ay biglang sinuntok ng suspek ang pulis.
Dahil dito, dinakip ng pulisya ang suspek at sinampahan ng kasong physical injury, public scandal at direct assault against person in authority.



Comments