Senglot na naglabas ng boga, arestado
@Balitang Probinsiya | November 3, 2021
SORSOGON—Isang lasing na naglabas ng baril sa kanyang mga kainuman ang inaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Baleno.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ramil Bajar, 44-anyos at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nakikipag-inuman si Bajar sa kanyang mga kaibigan ay inilabas nito ang kanyang baril at ipinagyabang sa kanyang mga kainuman.
Lingid sa kaalaman ni Bajar ay isang residente ang nag-report sa pulisya na may ipinagyayabang siyang baril kaya rumesponde ang mga awtoridad at nang hanapan ng mga kaukulang dokumento sa dala niyang armas ay walang maipakita ang suspek kaya dinakip siya ng mga operatiba.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments