Senglot na naghamon ng away, arestado
@Balitang Probinsiya | Enero 31, 2024
AKLAN -- Isang lasing na naghamon ng away sa isang barangay chairman ang inaresto ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Albasan, Numancia sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jessie Magpusao, nasa hustong gulang, at ang hinamon nito ng away ay si Chairman Royden Perlas, kapwa residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Perlas ay nilapitan ito ni Magpusao na lango sa alak at sa hindi malamang dahilan ay hinamon nito ng away ang barangay chairman.
Hindi naman pinatulan ni Perlas si Magpusao at sa halip ay nagtungo ang tserman sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek.
Agad rumesponde ang mga otoridad at inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong grave threat at public scandal.



Comments