Senglot na nag-amok, inaresto
@Balitang Probinsiya | May 8, 2023
QUEZON—Isang lasing na nag-amok ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tagbakin, Atinoman sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala na si Argilette Aguilar, 22, at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang lasing na naglalakad si Aguilar, bigla itong nagwala at pinagsusuntok at pinalo ng tubo sa ulo ang isang hindi pinangalanang lalaki na nakaupo sa nasabing lugar.
Agad humingi ng tulong sa pulisya ang mga residente kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.
Nakapiit na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong serious physical injury at alarm and scandal, samantalang ginagamot na sa ospital ang biktima.



Comments