@Balitang Probinsiya | March 1, 2021
QUEZON—Patay ang isang lasing na nag-amok sa pamamagitan nang pamamaril sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Kilait, Atimonan.
Ang suspek ay nakilalang si Ruel Fedelino, 46-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nang malasing umano si Fedelino sa pakikipag-inuman sa isa niyang kaibigan at biglang inilabas ng suspek ang dala niyang kalibre .38 revolver at sunud-sunod na nagpaputok ng baril.
Kaagad rumesponde ang mga awtoridad, pero pinagbabaril sila ng suspek.
Dahil dito, napilitan ang mga operatiba na gumanti ng putok kaya napatay si Fedelino.