top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Senglot na nag-amok arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 31, 2023



ALBAY—Isang lasing na nag-amok ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pigcale, Legazpi City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala na si Jomar Pasaca, 33-anyos, at residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang lasing na naglalakad si Pasaca ay bigla itong nagwala at naglabas ng patalim at naghahamon ng away.


Kaagad humingi ng tulong sa pulisya ang mga residente kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.


Nakapiit na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong alarm and scandal at illegal possession of deadly weapon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page