top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Senglot kinatay ng katoma

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 2, 2023



QUEZON—Isang lasing ang sinaksak at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Brgy. Taluong, Polilio sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Marlon Garcia, 43, samantalang ang suspek ay si Eric Catasan, nasa hustong gulang, at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Garcia at Catasan na humantong para pagsasaksakin ng salarin ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page