Sekyung namaril ng bagets nasakote
@Balitang Probinsiya | October 22, 2022
CAVITE–Isang security guard ang dinakip ng pulisya dahil sa pamamaril kamakalawa sa isang binatilyo sa Bgy. Iruhin East, Tagaytay City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Leo Saratan, nasa hustong gulang, security guard at nakatira sa Bgy. Balite 1, Silang sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lasing umanong naglalakas si Saratan nang bigla nitong barilin sa hindi malamang dahilan ang biktimang itinago sa pangalang Jun, 17-anyos na tinamaan sa katawan.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa ospital.
Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments