Sekyung HVT sa droga, arestado
- BULGAR
- Jun 26, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 26, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang security guard na HVT (High-Value Target) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tangub, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Harem Muleta, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod,
Nabatid na naaresto ang suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 70 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments