top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sekyung holdaper arestado

BULGAR
Nov 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2022


LAGUNA—Isang security guard na nangholdap sa convenience store ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Cabuyao City.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, pinasok ng holdaper ang isang convenience store at saka hinoldap ang kahera gamit ang dala niyang patalim.


Nang malimas ang pera sa kaha ay mabilis na tumakas ang suspek, pero agad nakahingi ng tulong sa pulisya ang kahera, kaya nadakip ang holdaper.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong robbery laban sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page