top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Sekyu, todas sa sariling baril

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 12, 2023


SORSOGON -- Isang guwardiya ang namatay nang aksidenteng tamaan ng bala mula sa nahulog niyang baril na aksidenteng pumutok kamakalawa sa Bgy. Laboy, Matnog sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Rodel Armingol, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima ay biglang nahulog ang dala nitong baril, pumutok habang ang bala ay tumama sa kanyang dibdib.


Dinala ng kanyang kaibigan ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page