Sekyu patay, 1 pa kritikal sa pamamaril
@Balitang Probinsiya | December 24, 2022
MASBATE—Isang security guard ang namatay at kritikal naman ang kaibigan nito nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa bayan ng Baleno.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Renante Parohinog, samantalang ang sugatan ay si Aljon Cortes, kapwa nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Parohinog ang kanyang motorsiklo at nakangkas si Cortes at isa pa nilang kaibigan na si Brandon Andeza ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Nabatid na na nagtamo ng mga tama ng bala sina Parohinog at Cortes, samantalang hindi naman tinamaan ng bala si Andeza.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.



Comments