top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sekyu, natagpuang patay sa resort

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 10, 2021



AKLAN—Natagpuang patay ang isang security guard kamakalawa habang nakabitin sa pader ng beach resort sa Bgy. Manocmanoc, Boracay.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na ito pinangalanan ng pulisya.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay na may tali sa leeg habang nakabitin sa pader ng beach resort.


Ayon sa ulat, na huling nakitang buhay ang biktima habang nagroronda sa nasabing lugar.


Inaalam na ng pulisya kung may naganap na foul play o nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page