top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sekyu, natagpuang patay sa guard house

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 3, 2021



QUEZON—Isang security guard ang natagpuang patay kamakalawa sa guard house ng resort na binabantayan nito sa Cotta, Lucena City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Quizon, guwardiya ng ABS Resort sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may tama ng bala ng baril sa katawan sa loob ng guard house ng resort.


Ayon sa ulat, nawawala ang pera, baril at motorsiklo ng biktima na hinihinalang tinangay ng mga salarin.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para makilala at madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page