Sekyu, natagpuang patay
- BULGAR
- Nov 4, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 4, 2021
PALAWAN—Isang security guard na may mga tama ng saksak ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Mangahan, Puerto Princesa City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jesse Mampay, 43-anyos at guwardiya sa isang establisimyento sa nasabing barangay
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may dalawang tama ng saksak sa katawan.
Nabatid na huling nakitang buhay si Mampay habang nakikipagtalo sa dalawang hindi kilalang lalaki sa tapat ng establisimyento na kanyang binabantayan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments