top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sekyu, dinedbol ng rider

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 23, 2021


BATANGAS—Isang security guard ang namatay ng barilin ng hindi kilalang rider salarin kamakalawa sa subdivision sa Lipa City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arnold dela Cruz, nasa hustong gulang at guwardiya ng naturang subdivision.


Nabatid na habang nasa labas ng gate ng subdivision si Dela Cruz ay dumating ang suspek na nakasakay sa motorsiklo at kinausap ang biktima.


Habang nag-uusap ay pumasok sa gate ng subdivision si Dela Cruz at dito na siya pinagbabaril ng suspek.


Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek at sa kasalukuyan ay inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page