Sekyu dinedbol ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | November 8, 2022
NEGROS OCCIDENTAL—Isang 26-anyos na security guard ang namatay nang barilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Minapasok, Calatrava.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama isang tama ng bala sa katawan na si Remart Rebucas, samantalang ang suspek ay si Junjun Aligiojo, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa birthday party si Rebucas ay dumating si Aligiojo na armado ng baril at agad binaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na si Rebucas ay saka mabilis na tumakas ang salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya laban sa suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments