Sekyu, dinedbol ng armado

@Balitang Probinsiya | December 24, 2020
NUEVA ECIJA—Isang security guard ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Sapang, Jaen.
Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Domingo Pelembergo, residente ng Bgy. Niugan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Pelembergo ang kanyang motorsiklo at kaangkas ang kanyang mag-ina nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima.
Bagama’t duguan ay nagawa pa ni Pelembergo na igiid ang motorsiklo para maibaba ang kanyang mag-ina at pagkaraan ay saka namatay ang biktima.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek at inaalam na rin ang motibo sa krimen.



Comments