Sekyu, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 11, 2023
Quezon -- Isang security guard na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 5, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arnelo Padillo, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments