Seguridad sa mga train station, tiyakin
- BULGAR
- Aug 9, 2024
- 1 min read
by Info @Editorial | August 9, 2024

Dahil sa mga krimen na naitala sa ilang istasyon ng tren, dinoble ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga tauhan nitong naka-deploy sa MRT at LRT stations.
Mula sa mahigit 400 pulis, nag-deploy na umano ng nasa mahigit 800 sa mga train station.
Kung dati ay tatlong pulis lang ang nakabantay sa bawat istasyon, ngayon ay anim na habang naglagay din ng police assistance desk.
Batay sa datos ng NCRPO, nakapagtala ng 29 na krimen sa istasyon ng MRT at LRT mula noong Enero hanggang Hulyo. Pinakamataas ang insidente ng pandurukot, ilegal na pagdadala ng baril, pagsusugal at physical injury.
Nasa 56 na krimen naman ang naitala noong nakaraang taon kung saan pandurukot pa rin ang may pinakamataas na bilang. May naitala ring sexually related incidents, bomb threat at ilegal na pagdadala ng baril.
Sa pamamagitan ng dagdag-pulis sa mga istasyon, kahit paano ay mapapanatag ang mga pasahero. Mapipigilang madagdagan pa ang insidente o kaya’y matarget ang zero crime sa mga istasyon ng tren.
Gayunman, hindi dapat magpakampante kundi ay mas lalong maging alerto. Huwag masyadong tutok sa gadget para nakikita kung ano ang mga nangyayari sa paligid.






Comments