Seaman BF na nagpramis ng kasal, ka-compatible kaya sure na makakatuluyan
- BULGAR

- Aug 18, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 18, 2020
Dear Maestro,
Kami na ba ang magkakatuluyan ng boyfriend ko na isinilang noong November 16, 1992? Matagal na kaming may relasyon at siya ay seaman na kasalukuyang nasa barko. May pangako siya sa akin na pag-uwi niya sa 2021, magpapakasal na kami. Matutuloy ba ang nasabing kasal at magiging maligaya naman ba ang aming papasuking pag-aasawa? July 2, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Liezel ng Sabang, Lipa, Batangas
Dear Liezel,
Ang zodiac sign mong Cancer at Scorpio naman ang boyfriend mo ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig, habang ang birth date mong 2 at 16 o 7 (1+6=7) naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo sa isa’t isa.
Sapagkat ayon sa Western Astrology, ang pagsasama ng parehong nagtataglay ng elementong tubig ay sadyang suweto sa isa’t isa. Gayundin, ang dalawang weak number na 7 at 2—maraming naitala na silang may mga birth date na 7, 16, 25, ay nakaisang-dibdib silang may mga birth date na 2, 11, 20 at 29.
Kaya walang duda na malaki ang posibilidad na matuloy ang inyong kasal at kayo na ang magkakatuluyan at masasabing habambuhay na kayong magsasama sa pagbuo ng maunlad at maligayang pamilya.
Upang matiyak na magiging maligaya at matagumpay ang papasukin n’yong pag-aasawa, itapat ang pinaplanong kasal sa 2021 o 2022, sa buwan ng Mayo hanggang Setyembre sa mga piling petsang 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 5, 14, at 23, 7, 16, 25, higit lalo sa mga panahong nasa first quarter hanggang new moon o full moon. Pula o dilaw naman ang gamitin n’yong motif sa kasal upang sa ganyang paraan, makamit n’yo ang maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.




Comments