School official, tepok sa trak
@Balitang Probinsiya | May 09, 2021
BATAAN—Isang opisyal ng eskuwelahan ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong SUV (Sports Utility Vehicle) sa trak kamakalawa sa national highway ng Bgy. Leon, Abucay.
Ang biktima ay nakilalang si Jose Tuazon, director ng Bataan Peninsula State University (BPSU) sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, hindi umano napuna ni Tuazon ang lumikong trak sa kalsada kaya bumangga dito ang minamanehong SUV ng biktima.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Tuazon dahilsa tinamo nitong malaking sugat sa ulo at pinsala sa katawan.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang driver ng trak dahil kusa itong sumuko sa mga awtoridad.



Comments