Sari-sari store pinagnakawan, P20-K natangay
@Balitang Probinsiya | October 18, 2021
AKLAN--Isang negosyante ang nanakawan ng P20,000 sa loob ng kanyang sari-sari store kamakalawa sa Bgy. Pook, Kalibo.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonel Rontale, 44-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon kay Rontale ay pagkagising niya ay napuna niyang nakabukas ang pinto ng kanyang sari-sari store at nang tingnan niya ang lagayan ng pera na napagbentahan ng kanyang tindahan ay wala na ang P20,000 cash.
Dahil dito, ini-report ng biktima sa pulisya ang panloloob sa kanyang tindahan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang mga suspek.



Comments