Sanggol, natagpuan sa tabi ng puno
- BULGAR
- Dec 15, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 15, 2021
AKLAN—Natagpuan isang bagong silang na sanggol kamakalawa sa tabi ng puno sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Ang sanggol na lalaki na nakabalot sa tela ay natagpuan ng mga residente sa nabanggit na barangay.
Agad na dinala ng mga residente ang sanggol sa barangay hall bago ito ini-report sa pulisya.
Nag-iimbestiga na ang mga awtoridad para matukoy ang nag-iwan ng sanggol sa ilalim ng puno.
Napag-alamang nasa pangangalaga na ng DSWD (Dept. of Social Welfare and Development) ang sanggol.



Comments