top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sanggol, natagpuan sa kuta ng NPA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 16, 2021



NEGROS OCCIDENTAL—Isang sanggol na tinatayang 2-buwang gulang ang natagpuan ng tropa ng pamahalaan kamakalawa sa kuta ng New People’s Army (NPA) sa bulubunduking lugar ng Bgy. San Fernando, Talisay City.


May hinala ang mga awtoridad na ang sanggol ay anak ng isang babaeng miyembro ng NPA.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang 3rd Infantry Division ng Philippine Army (PA) na may kuta ng NPA sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad.


Nang makita ng mga NPA ang paparating na mga tropa ng pamahalaan ay mabilis na tumakas ang mga komunista at ang tanging naiwan ay ang sanggol.


Nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD ang sanggol, samantalang tinutugis pa ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page