Sana raw, ganu'n din ang ibang parents… K, IPINAGSIGAWANG WA' PAKI SA IBA, PROUD SA TIBONG ANAK
- BULGAR

- Jul 16, 2020
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 16, 2020

Sa unang pagkakataon ay inamin ng mang-aawit na si K Brosas na ang nag-iisang anak niyang si Crystal ay lesbian at nag-aaral pa lang daw ito ng high school ay ramdam na niya at hindi nga siya nagkamali.
Tapos na sa kanyang pag-aaral si Crystal at nag-usap silang mag-ina na panahon na para ilantad niya ang tunay niyang sexual preference.
Sa sampung minuto at 13 segundong IG Live nina K at Crystal nitong Martes bago maghatinggabi bilang kaarawan ng una kahapon (Hulyo 15) ay ito ang naging rebelasyon nila sa kanilang mga tagasubaybay.
Simula ni K, “Birthday ko at may revelation kami ng anak ko (sabay lingon sa anak).
“Ako po si Crystal and I’m a lesbian. I am gay,” saad ni Crystal.
Hirit pa ni K, “Sa mga nagtatanong, matagal ko na pong alam. High school pa lang, alam ko na bilang nanay. And, wala akong galit, wala akong buwisit, tinanggap ko.
“Kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita kasi that’s unconditional love bilang magulang.
“Pasensiya na po sa mga Christian or hardcore kiyeme, nag-iisang anak ko ‘to, eh. Kung ano’ng gusto niya, susuportahan ko.
“Tinanong ko siya nang biglaan ngayong birthday ko kung gusto ba niyang mag-out. Umiyak siya kasi gusto na niya talaga. So now, we’re here and ito na ‘yung ginagawa natin sa video na ito.”
Naging emosyonal si K habang sinasabi niya na ang pagmamahal niya sa anak ay hindi masusukat sa pagiging lesbian nito.
“Kasi alam ko na may ilan sa inyo na babalik sa akin. Even family ko, parang alam ko na, eh. Sasabihin nila, ‘Meron kang mali na ginawa kung bakit ganyan lumaki ang anak mo.’
“Pero mas importante ang kaligayahan ng anak ko, eh. Ito ang gusto niya, so wala kayong pakialam. I love my daughter. Alam ko na po ito years ago and I support her.
“Maganda ang relationship namin, wala kaming itinatago. Well, ito lang naman kasi, dapat may right time.
“Please sa mga parents na nagtatakwil sa mga anak nila dahil hindi nila kaya, maawa naman kayo sa mga anak n'yo kasi anak n'yo 'yan, eh.
“I’m doing this kasi gusto kong mamulat, naba-bother ako sa mga magulang na dini-disown ang mga anak nila,” paliwanag ni K.
Naikuwento pa niya na sobrang talented ng anak niya dahil magaling mag-compose, naggigitara kaliwa’t kanan kaya sobra siyang bilib dito.
“I’m out and proud,” sabi naman ni Crystal.





Comments