Salvage victim, natagpuan sa sapa
- BULGAR
- Jan 8, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 8, 2024
LAGUNA -- Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa na nakalutang sa sapa na sakop ng Purok Lawa, Calamba City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay na nakagapos ang magkabilang kamay at may nakabalot ng packaging tape sa mukha.
May hinala ang pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang mga otoridad.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa pag-salvage sa biktima.



Comments