Salvage victim natagpuan sa sapa
@Balitang Probinsiya | March 2, 2023
BATANGAS—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa sapa na sakop ng Bgy. Leynes, Talisay sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakasuot ng puting t-shirt, itim na short pants at puting sapatos.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay na nakaposas ang mga kamay at may tama ng bala ng baril sa ulo.
May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.



Comments