Salvage victim natagpuan sa sapa
- BULGAR
- Oct 26, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 26, 2022
BATANGAS—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa sapa na sakop ng Bgy. Malaking Pulo, Tanauan City.
Ang biktima ay tinatayang nasa 5' 0 ang taas, katamtaman ang katawan, kayumanggi, nakasuot ng kulay gray na short pants at itim na t-shirt.
Nabatid na isang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan niyang bangkay ng biktima na nakatali ang dalawang kamay at may balot ng masking tape ang mukha.
May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang armas na ginamit sa pagpatay at ang motibo sa naganap na krimen.



Comments