top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Salvage victim natagpuan sa kalsada

BULGAR
Jan 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 19, 2023


QUEZON—Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. Lakawan, Tayabas City.


Ang biktima ay kinikilala pa ng pulisya dahil walang makitang identification card sa gamit ng salvage victim.


Napag-alamang ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may nakabalot na packaging tape ang mukha, katawan, mga kamay at paa.


May hinala ang mga awtoridad na pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lang sa naturang barangay ang bangkay nito para iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page