Salvage victim, natagpuan sa bakanteng lote
@Balitang Probinsiya | November 15, 2021
NUEVA ECIJA--Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa isang bakanteng lote sa Bgy. San Anton, San Leonardo.
Ang biktima ay tinatayang nasa hustong gulang ang edad, walang suot na damit at nakasuot ng pulang short pants.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima bakanteng lote sa naturang barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay napag-alamang may dalawang tama ng saksak sa katawan ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments